Huling sayaw

Grade 8 festival dance |Marso 12, 2019 | Calamba City Science High School

Marso ika-12 ng taong 2019, sa iba ay simpleng araw lamang ito nang pag-garo-garo pero sa batch 2019 ng Calamba City Science High School tila ito’y huling sayaw para sa amin.

Grade 9-Thermodynamics |Marso 12, 2019 | Calamba City Science High School

Ang huling beses na makakapag pagabi pa kami sa eskwelahan na tila nagpalaki sa amin, huling beses na makitang pagpawisan ang mga kapwa estudyante na parang hindi nagpapawis, at ang huling sanadali na makita ang ngiti ng tagumpay na nagsasabing ‘Ah natapos narin kami’.

Walang makakaila na tunay ngang pinahalagahan namin ang mga huling sandali. Ang iba’y hindi sinayang ang oras at kumuha ng mga larawan kasama ang kani-kanilang mga kaibigan. Mula sa ikalawang palapag kitang-kita mo talaga ang kuripas na pag-takbo ng mga mag-aaral para lang makakuha nang kanilang mga larawan. Isang alaalang hindi makakalimutan. Alaalang matatago at mababalikan.

Discover WordPress

A daily selection of the best content published on WordPress, collected for you by humans who love to read.

Longreads

Longreads : The best longform stories on the web

WordPress.com News

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.

Design a site like this with WordPress.com
Get started